PDRRMO Sorsogon nasa blue alert status na para sa Semana Santa

Nasa ‘blue alert’ status na ang PDRRMO Sorsogon sa pagdiriwang ng Semana Santa.

Tinawag itong ‘Oplan Holy Week’ kung saan ang blue alert ay  nagsimula noong Lunes, Marso 27 hanggang Abril 10, 2023.

Sa impormasyon na nakalap ng Brigada News Sorsogon sa nasabing opisina, 24-hours umano na nakaduty ang kanilang mga responders na ang ilan ay nakadeploy na sa bawat bayan.

Nakahanda na rin ang mga behikulo sakaling kakailanganin oras na magkaroon ng emerhensiya hindi lamang sa mga kalsada kundi maging sa gagawing mga prosisyon at mga aktibidad na may kaugnayan sa Semana Santa.

Ayon pa sa impormasyon, matapos ang Holy Week ay itutuon naman nila ang kanilang atensyon sa summer vacation o SUMVAC.

Kaugnay naman sa paglalagay ng OCD-Bicol sa blue alert status sa buong Bicol Region, inatasan nito ang lahat ng PDRRMCs na pagsamasamahin at iulat ang lahat ng mga kaugnay na insidente at upang matiyak ang agarang koordinasyon sa mga kinauukulang ahensya.

Hinikayat din umano ang lahat ng DRRMCs na magsumite ng mga hakbang sa paghahanda, mga plano sa pagtugon sa aksyon at mga ulat ng anumang hindi kanais-nais na mga insidente o kaganapan at isumite ito sa RDRRMC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *