Peace and Order, dapat unahin sa isyu ng POGOs – Bong Go

Nanindigan si Senador Christopher ‘Bong’ Go na kailangang timbangin mabuti nang pamahalaan ang maaganda at masasamang idudulot ng mga Philippine offshore gaming operators o POGOs.

Ginawa ni Go ang pahayag matapos ang naitalang bagong POGO-related abduction ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Para sa Senador, kung siya ang tatanungin ay mas mahalaga pa rin sa kanya ang peace and order kung ikukumpara sa mga benepisyo ng mga POGO.

Aniya, imbis na maghari-harian ang mga POGO at magpatuloy na lumala ang mga krimen na iniuugnay dito – mas maigi pang lumayas na lamang sila.

Sabi ni Go, ang tangi lang naman daw gusto ng mga Pilipino ay mamuhay nang tahimik at walang gulo.

READ MORE:

Kung maghahasik lang ng lagim ang POGO ay bakit hindi na lang daw sila paalisin dito sa Pilipinas.

Matatandaaang makailang beses nang dumaan sa pagdinig ng Senado ang mga POGO-related crimes.

Sa mga naturang imbestigasyon, tiniyak ng PAGCOR na may ginagawa na silang mga paraan para masigurong mananatili ang kapayapaan sa mga operasyon ng POGO sa bansa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *