Peace and security sa Brgy. Villaflor, Cauayan City, pinalakas; livelihood programs sa mga residente, inilunsad

Mas papalakasin ng local government unit ng Cauayan City katuwang ang PNP Cauayan ang Peace and Security sa Brgy. Villaflor.

Ito ang hayagang inihayag ni Mayor Bernard Faustino M. Dy matapos silang bumisita sa naturang barangay kasama ang kanyang konseho, PNP Cauayan, at DOST Provincial.

Ayon kay Mayor Dy, ito ay matapos magkaroon ng presensya ng insurhensiya sa kanilang lugar noong nakaraang taon kung saan tinataboy umano ang kanilang kasalukuyan nakaupong kapitan.

Dagdag pa niya, hindi sila papayag na muling maranasan ito ng mga residente ng nasabing barangay.

Pinaalalahanan naman ang lahat na huwag magpapalinlang sa mga makakaliwang pangkat at huwag mag-atubiling magsumbong sa mga otoridad kung may nagaganap na recruitment nb makakaliwang pangkat sa lugar.

Dahil dito, naglatag din ng iba’ibang serbisyo at livelihood programs ang Department of Science and Technology – Provincial Science and Technology Center at PNP Cauayan para naman sa kanilang Lingkod Bayanihan Program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *