Peak hour demand sa tubig bumaba sa panahon ng pandemya, pero Primewater pinaghahandaan na rin ang pagbabalik sa normal na sitwasyon

CAMARINES NORTE- Bumaba ang “peak hour demand” sa pagamit ng tubig ngayong panahon ng pandemya.

Wala pa kasing mga estudyante na sabay- sabay na pumapasok sa eskwelahan para sa face to face classes at hindi rin magkakasabay na pumapasok sa opisina at trabaho ang mga tao.

Gayunman, pinaghahandaan na rin daw ng Primewater Camarines Norte ang pagbabalik sa normal kung saan magkakasabay- sabay na naman ang pagamit ng tubig tuwing “peak hours” o mula alas 4 ng madaling araw hanggang alas 9 ng umaga.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Branch Manager Engr. Mark Anthony Muroda inihayag nito na mayroon na silang na install na mga booster pump at na- activate na rin ang ilang tangke.

Umaasa rin umano ang kumpanya na makakatulong ang mga ginagawa nilang source development para kahit peak hours at sabay- sabay ang pagamit ay matutugunan ang pangangailangan sa tubig.

“Kung sakali man pong bumalik tayo sa normal na situation na lahat ay papasok sa umaga, yun pong system, natin ay unti- unti na nating ina- upgrade by installing po mga booster system dun po mismo sa source like yung Alawihao may booster component po yun, yung surface water natin meron nang booster capability at saka po yung Daet strorage tank natin sa Camambugan is meron na rin pong booster capability po, napupuno naman natin yun pag gabi then pag umaga naire- release natin,” ani Muroda.

Target rin ng kumapanya na makumpleto ngayong Hunyo ang mga developmental projects partikular sa Cory Aquino Boulevard na siya namang tutugon sa problema ng suplay ng tubig sa Bagasbas area.

Ayon pa kay Muroda patuloy rin ang source development sa Alawihao para sa pangangailangan ng tubig dito sa Daet gayundin sa Matogdon para naman sa bayan ng Labo.

Nais umano ng kumpanya na maihabol din ang mga ito sa Hunyo.

“Next po yung rehabilitation most of our system in Daet yung pipe network po ay kailangan ng ma -rehab, so meron na po kaming na identify. Ang isa pong next in line na project natin ay yung sa J Lucban uli pero na -rehab na po natin yung right side diyan sa may Diego Linan, Pineapple, J Lucban from Vinzons avenue po hanggang sa corner Gahonon right side po.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.