PED Albay pinaliwanag sa mga estudyante ang bagong polisiya sa pag-claim ng Top 20 Governor’s list educational assistance

LEGAZPI-Pinaliwanag ng Albay Provincial Education Department (PED) ang reklamo ng ilang mga estudyante sa lalawigan ng albay na benepisyaryo ng Educational Assistance ng Top 20 Governors list.

Ito ay matapos ulanin ng reklamo ang tanggapan dahil sa bagong polisiya nito na dapat kasama ang mga magulang sa pag-avail ng educational assistance.

Ayon kay Cham Zunega kan PED Albay, ang naging desisyon umano kasi ay base sa natatanggap nilang reklamo na ang mga nakuha ng ilang estudyante ay hindi naman nagagamit sa pag-aaral.

Bagkus ay nagagamit sa luho at minsan ay sa inuman at iba pa.

Para umano maiwasan ang ganitong pangyayari, mas maganda umano na alam ng magulang na may matatanggap ang kanilang mga anak ng sa ganun ay mismong magulang na ang gagamit nito para sa pag aaral ng anak.

Maaari itong gamitin pangbili ng gadget at pang load habang nag-online class o sa mga bagay na konektado sa pag-aaral.

Hangad nito sa mga estudyante na huwag ikagalit at ikasama ng loob ang bagong polisiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *