Pekeng ID na may mukha ng unggoy, nakapasa sa SIM registration

Nakapasa sa SIM Card Registration ang pekeng ID na may mukha ng unggoy.

Ito’y ginamit ng National Bureau of Investigation (NBI) para subukin ang pagpaparehistro ng SIM sa iba’t ibang Telecommunications Company.

Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Attorney Jeremy Lotoc, sinubukan din ng ahensya na gamitin ang iba’t ibang uri ng hayop; ngunit nare-register o nakakalusot pa rin ang mga ito.

Dagdag pa ni Lotoc, nagpapatunay lamang ito na maaring magparehistro ang sinuman gamit ang pekeng pagkakakilanlan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *