Pekeng memo ng PDL-transfer, pinaiimbestigahan na

Ipinag-utos na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa National Bureau of Investigation na hanapin ang nagpakalat ng pekeng memorandum circular na nag-uutos na ibalik sa NBP ang 12 high-profile PDLs na nakakulong ngayon sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.

Agad na gumawa ng aksyon ang kalihim matapos malaman ang pekeng memo circular na naka-address kay BuCor Chief Gregorio Catapang Jr. na may petsang September 8 na na-email sa iba’t ibang opisyal at tanggapan ng DOJ.

Nakasaad sa pekeng circular na nasa ilalim ng Witness Protection Program ang 12 preso at tumestigo laban sa nakakulong na dating senador na si Leila de Lima.

Sabi ni Remulla, mayroon umanong empleyadong kasabwat sa pagpapalabas nito.

Ang mga empleyado ng gobyerno na mapapatunayang sangkot sa pagpapakalaty ng pekeng dokumetno ay maaari aniyang
kasuhan ng falsification of public documents.

Maaari din silang maalis sa serbisyo at mawala ang kanilang mga benepisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *