Naniniwala si MMDA chairperson Romando Artes na ang taong inaresto kamakailan dahil sa robbery extortion o pangingikil ay may kasabwat sa loob ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon kay Artes, mayroon na silang lead, ngunit hindi pa umano nila ito isasapubliko.
Sa kabila nito, sinabi ng opisyal na ipagpapatuloy nila imbestigasyon sa naturang anggulo, at umaasa sila na matutukoy nila kung mayroon nga bang kasabwat ang suspek sa ahensya.
Sa ngayon, iniisip din umano nila kung paano nalaman ng pekeng MMDA personnel ang tungkol sa nahuling colorum vehicle, lokasyon nito, maging sa impormasyon ng may-ari ng sasakyan.

Mababatid na naaresto ng mga otoridad ang suspek na si Jacob Arellano para sa umano’y pangingikil ng pera habang nagpapanggap na tauhan ng MMDA sa Quezon City.
Nahuli si Arellano matapos magreklamo ng terminal operator ng UV Express. //SM edited MHEL PACIA