Local News

Penalidad at multa naghihintay sa mga mabibigong makapaghain ng Income Tax Returns bago o sa Abril 17

CAMARINES NORTE- Hanggang April 17 na lamang ang paghahain ng Income Tax Returns o ITR.

Kaya naman muling nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga taxpayer na gawin na ito bago o sa itinakdang petsa upang makaiwas sa penalidad.

Ayon kay Revenue District Officer Felix Roy kapag nabigo ang taxpayer na magfile ng ITR sa itinakdang petsa ay papatawan ng 25 % surcharge ang tax due at compromise penalty.

Bukod dito mayroon ding babayarang interest na 12 % per annum.

Ani Roy may nakatalagang Tax Assistance Center ang BIR sa mall at ilang business establishment tulad sa SM City Daet, New One Department Store, Houseware Plaza Supermarket at LCC sa Labo.

Mayroong mga tauhan ang BIR sa mga nabanggit na center upang umalalay sa mga taxpayer sa paghahain ng kanilang ITR.

Maari ding gamitin ang E- services ng ahensiya para hindi na kakailanganing pumunta sa opisina dahil kumpara dati ay mas convenient ang paghahain ng ITR ngayon.

Una na ring inanunsiyo ng BIR main office na walang extension sa filing and payment.

Magreresulta daw kasi ito sa hindi sapat na pondo para sa mga programa ng gobyerno.

Samantala, aminado naman si Roy na kinapus ang BIR- RDO 64 sa kanilang goal noong 2022 pero mas mataas naman aniya ang kanilang koleksyon kumpara noong 2021.

BNFM Daet

Recent Posts

Kakulangan ng bakuna kontra pertussis, problema ng mga Municipal Health Office

CAMARINES SUR - Problema ngayon ng mga Municipal Health Office sa mga Lokal na Pamahalaan,…

20 mins ago

Adjusted working hours sa NCR kasado na ngayong araw

Magsisimula na ngayong araw ang adjusted working hours mula alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng…

28 mins ago

Tropa ng mga pusa, ni-raid ang ref ng kanilang fur mom

VIRAL ngayon ang kakaibang pagbabayanihan ng tropa ng mga pusa para ma-raid ang refrigerator at…

36 mins ago

Most Rev. Alarcon, mainit na sinalubong bago ang pag upong Arsobispo ng Caceres

NAGA CITY - Nag-abang sa ilang mga pangunahing kalsada ng Naga City ang maraming mga…

40 mins ago

Kredibilidad ng nasa likod ng “PDEA Leaks”, kinuwestyon ng isang kongresista

Kuwestyonable para kay House Committee on Dangerous Drugs Chairperson Robert Ace Barbers ang kredibilidad at…

44 mins ago

Muling pagtatambal ng JoshLia, suportado ni Gerald Anderson

Susuportahan daw ni Gerald Anderson ang kanyang girlfriend na si Julia Barretto sa muling pagtatambal…

53 mins ago