Performance-based bonus ng mga guro sa NCR, nakuha na raw noong Hulyo

Kinumpirma ni Teachers’ Dignity Coalition (TDC) chairperson Benjo Basas na nakuha na nila ang performance-based bonus (PBB) noong July na ipinamahagi sa National Capital Region.

Ayon kay Basas, NCR pa lang ang naabutan ng bonus, at may nakarating sa kanilang mga balita na may natanggap na rin ang ilang guro sa mga paaralan sa CALABARZON, ngunit hindi pa nila ito nakukumpirma.

Paliwanag pa nito, talagang sinusukat individually ang mga empleyado para sa PBB para malaman kung kwalipikado pa ang mga ito.

Ina-assess din aniya kung nakasuhan at nagkaroon ng final decision ang kaso ng mga ito, kaya posibleng matanggal sa eligibility ng bonus.

Samantala, nilinaw ng opisyal na hindi binanggit ang mga non-teaching personnel sa report ng DBM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *