Isang person of interest na idinadawit sa pagkamatay ng estudyante ng Adamson University na si John Matthew Salilig ang natagpuang wala ng buhay sa Taguig City.

Ito ang kinumpirma ng Biñan City Police Office sa gitna nang nagpapatuloy na paggulong ng kaso ni Salilig.
Ayon kay Biñan City Chief of Police, PLTCOL. Virgilio Japio, noong February 28, 2023 pa umano namatay ang person of interest na kinilala lamang ng pulisya sa alyas na Sakmal na sinasabing nagpatiwakal nang dahil umano sa matinding konsensya dulot ng nangyaring krimen.
Nasa pangangalaga na rin ng pulisya ang green AUV na iminaneho umano nito para isailalim sa pagsusuri.//CA