Personal na dahilan, isa sa tinitingnang motibo sa pagpaslang sa radio brodkaster na si Juan Jumalon

Personal na dahilan ang isa sa tinitingnan motibo ng Philippine National Police sa pagpaslang sa radio brodkaster na si Juan Jumalon sa Calamba, Misamis, Occidetal kahapon ng umaga.

Ayon kay Misamis Occidental PPO acting director, PCol. Dwight Monato, may naka alitan umano ang biktima at ang personal na alitan ay umabot umano sa korte.

Hindi na ito naidetalye pa ni Col. Monato habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Hindi rin naman inaalis ng pulisya ang anggulo ng pagiging miyembro ng media ni Jamilon pero ang programa naman daw nito ay puro pagaadvertise ng produkto at public service announcements.

Hindi raw ito commentator.

Ikinasa na ng pulisuya ang dragnetb operation para mahuli ang mga suspek.

Binuo na rin ang Special Investigation Task Group para sa agarang pag resolba sa kaso na binubuo ng mga investigators, intelligence personnel at forensic units.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *