Peru, magdedeklara ng ‘emergency status’ kasunod ng pag-aalburoto ng Bulkang Ubinas

MAGDEDEKLARA ng “emergency status” ang bansang Peru kasunod ng pag-aalburuto ng Bulkang Ubinas – ang pinaka-aktibong bulkan sa bansa.

Ayon sa National Institute of Civil Defense (INDECI), unang itinaas ang “yellow alert” sa lugar ngunit mas itinaas pa ito sa “orange alert”, matapos magbuga ng abo ang naturang bulkan na umabot sa 1,700 metro ang taas.

Samantala, sinabi naman ni Peru Prime Minister Alberto Otarola na nakatakdang ideklara ang emergency status sa mga susunod na araw para makalikha ng mga kaukulang hakbang at aksyon na kakailangan sakaling lumala pa ang sitwasyon.

Sa kasalukuyan, patuloy na inaabisuhan ang mga residente sa lugar na lumayo sa paanan ng bulkan, isara ang mga pinto at bintana ng bahay habang namahagi na rin ang gobyerno ng masks at glasses bilang protective equipment.### HARLIN LUMIBAO, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *