PESO Bataan, hinihikayat ang mga residente nito na magrehistro para sa kauna-unahang virtual job fair sa lalawigan

BATAAN-Hinihikayat ng Public Employment Service Office o PESO Bataan ang mamamayan na magparehistro para sa kauna-unahang virtual job fair na gagawin sa lalawigan.

Ito ay para magkaroon ng pagkakataon na makapili ng trabahong maaaring aplayan sa mahigit isang libong job opportunities na bubuksan on line darating na May 17 hanggang 21.

Ayon sa Provincial PESO bukas ang website ng vantagehunt para sa mga interesadong mag apply at kumpletuhin lamang ang mga detalye base sa mga inilabas na mga requirements.

Samantala ang aktibidad at sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Provincial Government at ng Department of Labor and Employment ay may temang “Manggagawa at Mamamayan, Babangon, Susulong!”.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: PESO Bataan

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *