Pet Pantry at Free Rabies Vaccination sinagawa sa SM mall Legazpi

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang City Veterinary Office ng Legazpi ng Pet pantry at Free Vaccination Rabbies sa SM mall legazpi nitong sabado para sa celebrasyon ng World Rabbies Month.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad nina Dr Emmanuel Estipona ang head ng city vet, opisyal ng nasabing mall at iba pang grupo kasabay din ang mga responsible pet owners.

Ayon kay Estipona,  ipinaliwanag nito sa mga responsable na nag aalaga ng aso at pusa ang kahalagahan ng pagbabakuna upang maiwasan na magkaroon ng rabbies.

Nananawagan rin ito sa mga nag aalaga ng nasabing hayop na huwag palagiang pababayaan na nasa labas ng kanilang tahanan upang maiwasan na makagat ng tao o aksidente sa kalsada.

Sinabi ng opisyal, aabot sa 15k na registered na mga aso ang kinakailangan mabakunahan sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *