Sigurado nang mag-uuwi ng medalya ang Pinay boxer na si Nesthy Petecio Tokyo 2020 Olympics.
Ito matapos umabanse sa semifinals sa semi-finals ng women’s featherweight division.
Tinalo ni Petecio ang pambato ng Columbia na si Yeni Marcela Arias Castaneda sa pamamagitan ng unanimous decision.
Dinomina ng Pinay fighter ang tatlong round para masiguro ang pwesto sa medal round.
Sunod naman na makakalaban ni Petecio sa semis si Irma Testa ng Italy.