Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’, nakalaya sa kasong murder matapos makapagpiyansa

SORSOGON CITY – Pansamantalang nakalaya si Joemel De Leon Advincula alias ‘Bikoy’ na akusado sa 3 counts of murder at attempted murder.

Ayon sa A1 source ng Brigada News Sorsogon, nakapagpiyansa si ‘Bikoy’ at natanggap ang release order noong Nobyembre 7, 2022 na pirmado ni Judge Maria Theresa San Juan-Loquillano ng RTC Br 10, Legazpi City.

Nasa P1M ang ibinayad ni ‘Bikoy’ sa pamamagitan ng surety bond kung saan ang P500K ay piyansa para sa 3 counts of murder habang P120K sa kanyang kasong attempted murder.

Nobyembre 2021 nang matagpuan sa loob ng ukay-ukay store sa Brgy Busay, Daraga, Albay ang tatlong bangkay na kalaunan ay nakilalang mga labi nina Kgwd Helen Advincula Garay na tumatakbong Bise Alkalde, Karen Dela Rosa Averilla at Xavier Halim Mirasol kapwa kandidato sa pagka-Kagawad, lahat residente ng Donsol, Sorsogon.

READ MORE:

Itinuturing naman na survivor si Lalaine Amor at naging testigo sa nasabing kaso.

Ayon pa sa source ng Brigada News, mahina umano ang mga ebidensya laban kay ‘Bikoy. Una, walang baril na nakuha sa suspek, negatibo ito sa paraffin test at powder burns dahil ang mga biktima ay malapitang binaril sa sentido, batok at noo; na pawang makagagawa lamang nito ay isang ‘professional killer,’ hindi rin nagkakatugma ang pahayag ng testigo.

Sa Enero 26, 2023 ay nakatakda ang muling pagdinig sa kaso ni Bikoy at kaugnay nito, binigyan ng korte ang prosecution maging ang Daraga PNP na magpakita pa ng karagdagan at sapat na ebidensya.

Si alyas ‘Bikoy’ ay tubong Barangay Tupas, Donsol, Sorsogon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *