Petisyon laban kay PPC Mayor Bayron, walang halong pulitika- petitioner

“Actually, walang involve na politician dito, ito po ay personal nating desisyon,”

Ito ang naging tugon ni Salvador “Buddy” Tinay kaugnay sa pagsampa nito ng pagsasawalang bisa ng Certificate of Candidacy ni Mayor Lucilo Bayron sa pagtakbo muli sa pagka-alkalde ng Lungsod.

Aniya bagamat kilala siya na dating taga-suporta ng alkalde at nagkaroon lamang ng “hiwalayan” noong pansamantalang nag-take oath si Luis Marcaida III bilang pansamantalang alkalde sa Puerto Princesa City.

Iginit nito na ang pagbaba ni Mayor Baryon ay isang suspension lamang sa iba’t ibang kadahilanan subalit nakabalik pa rin matapos ang apat na buwan at ipinagpatuloy ang termino.

Samantala, unang nag-file noong October 5, 2021 ng disqualification kay Mayor Bayron ang isang Nelson Pagtananan Morondoz habang ang kampo nila Tinay ay nag-file sa COMELEC noong November 15, 2021.

Ayon naman kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, wala pang inilalabas na disisyon sa dalawang petisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *