Petisyon para ikansela ang COC ni Marcos Jr., ibinasura ng COMELEC 2nd division

Ibinasura ng Comelec Second Division ang petisyon para ikansela ang kandidatura ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa inilabas na pahayag ng abogadong si Teodore Te, isa mga counsel ng mga petitioners, sumang-ayon umano ang Comelec sa mga petitioners na ang representasyon ni Marcos Jr. sa kanyang certificate of candidacy (COC), partikular na ang Item 11 at Box 22, ay ‘material’ subalit hindi umano pabor ang poll body disagreed na ito ay hindi totoo.

Plano naman ng grupo na i-apela ang desisyon ng COMELEC 2nd division.

Samantala, ipinagpaliban ng Commission on Elections First Division ang paglalabas ng desisyon sa disqualification cases laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang staff members ng COMELEC na siyang humahawak sa kaso ng dating senador.

Ayon kay Comelec Director 3 Elaiza Sabile David hindi naihanda ang draft ng desisyon dahil nagkasakit ang mga tauhan ng ahensiya pati na ang mga lawyers sa opisina ng commissioner.

Sa ngayon sinabi ni David na prayuridad nila na gumaling ang kanilang mga staff.

Nabatid na batay sa unang pahayag ni Presiding Commissioner Rowena Guanzon ngayong araw sana itinakda ang paglalabas ng desisyon sa disqualification case na inihain kontra kay Marcos Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published.