Petisyuners, hiniling sa SC na i-void ang section sa ATA na may kinalaman sa warrantless detentions

Ibinunyag ni Albay Representative Edcel Lagman, na sa pagkwestyon niya at ng 37 iba pang grupo ng petisyuners sa constitutionality ng Anti-Terrorism Act noong Lunes ay naghain sila ng six-clustered memoranda na sumusuporta sa kanilang consolidated petitions.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Lagman na kabilang sa kanilang mga petisyon ay ang hiling nila sa korte na ma-void ang Section 29 ng ATA na nagpapahintulot sa detention sa kabila ng kawalan ng judicial warrant of arrest.

Binigyang diin ng kongresista na labag ang pag-aresto at pagkulong sa pinagsususpetsyahang terorista ay labag sa Section 2 ng Article III ng Bill of Rights na nagmamandato na wala ang kahit sinoman ang pwedeng maaresto na walang warrant of arrest, na iniisyu ng judge oras na makakita ito ng probable cause.

Iginiit naman ni Lagman na ang ATC, na isang  executive agency, ay hindi maaring mabigyan ng kapangyarihan na mag-isyu ng warrant of arrest.

Ayon kay Lagman, ang mahabang detention period na maaring umabot hanggang 24 na araw na inootorisa sa ilalim ng Section 29 ay labag sa constitutional guarantees  ng right to due process, right against unreasonable seizures or arrests, at marami pang iba.

Ipinunto naman ni Lagman na ang mahabang panahon na detention na walang kaakibat na judicial warrant, intervention, at oversight ay labag sa international covenants, kung saan ay nagsisilbi ang Pilipinas bilang state party.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *