Pfizer, nag-aplay para sa approval ng Japan sa kanilang oral COVID-19 drug

Kinumpirma ng U.S. drug maker Pfizer Inc. na nag-aplay sila para sa approval ng Japanese government para sa kanilang oral COVID-19 treatment.

Ayon sa naturang kopaniya, ang aplikasyon ay batay sa global Phase II/III trials, kung saan bahagi ang Japan.

Mababatid na dahil sa muling pagsipa ng kaso sa COVID-19 sa Japan, mas umaasa ang naturang bansa sa oral treatments para maiwasan ang serious infections at deaths.

Una nang sinabi ni Prime Minister Fumio Kishida na target nilang maipamahagi ang Pfizer pills sa susunod na buwan, matapos makuha ang dalawang milyong doses.

Mababatid na sinimulan nang ipamahagi ng kanilang gobyerno ang molnupiravir antiviral pills matapos magkasundong bayaran ang Merck & Co Inc at ng kanilang partner na Ridgeback Biotherapeutics ng halos $1.2 billion para sa 1.6 million courses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *