PGA, ipinatupad ang programang susuporta sa kalusugan ng mga residente

LEGAZPI CITY – Ipinatupad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay ang programang “Karinderya Para sa Healthy Pilipinas Dietary Supplementation Program” na tutugon sa mga pangangailangan sa nutrisyon ng mga resudente sa lalawigan.

Sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO), sa pangunguna ni Dr. Estela B. Zenit, mahigit 500 benepisyaryo na kinabibilangan ng mga buntis, mga nagpapasusong ina, at mga batang kulang sa nutrisyon na may edad mula 6-11 buwan hanggang 5-11 taong gulang ang makikinabang.

Ang nasabing programa ay ipinatupad simula nito lamang Mayo 23, 2023 hanggang Agosto 22, 2023 sa mga piling Local Government Units (LGUs) sa lalawigan.

Sa pagtutok sa partikular na pangangailangan sa nutrisyon ng mga buntis, mga nagpapasusong ina, at maliliit na bata, at sa pamamagitan ng pagbibigay ng edukasyon at pagsubaybay, makakapag-ambag ang tanggapan sa pangkalahatang kalusugan at kagalingan ng mga komunidad sa Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *