PGA ngdonate ng lote para sa new building ng BFP Albay

LEGAZPI CITY – Isinagawa kahapon ang MOA signing sa pagitan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Bicol at Provincial Government ng Albay na pinangunahan nina Gov Al Francis Bichara at ang Regional Director ng BFP Bicol na si Senior Superintendent Ricardo Perdigon para sa loteng pagtatayuan ng Bagong Gusali ng BFP Albay.

Ayon kay Bichara, matagal nang hinihintay ng nasabing ahensya na magkaroon ng sariling BFP sa lalawigan.

Dahil dito, hinanapan ng lote ang tanggapan kung saan ay nakakuha ito sa Barangay Salvacion bayan ng Daraga na pagtatayuan ng BFP Albay.

Aniya, binigyan ng 1, 000 square meter ang ahensya kung saan ay inaprobahan din naman ng Sangguniang Panlalawigan ang lote para sa BFP.

Dagdag pa nito, wala na rin mahanapan ng bakanteng lupa sa centro ng Legazpi dahil sa okupado na ang lahat na lupain.

Ayon naman kay Perdigon, naging maganda naman ang pagtatayuan na building ay dahil napapagitna ito ng tatlong distrito at madali rin na makapagresponde sa mga nasusunugan.

Sinabi rin ng opisyal, nakapagsumite na rin sila ng budget proposal sa central office upang makasama sa 2022 budget para mabigyan ng pondo at makapagsimula na rin ng konstruksyon ng BFP Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *