PH active COVID-19 cases, 71,472 na; 8,346 new infections

Sumipa pa ang kabuoang bilang ng COVID-19 active cases sa bansa sa 71,472 matapos maitala ng Department of Health (DOH) ang 8,346 na mga bagong infections.

Kaugnay nito, nagtala ang DOH ng karagdagang 9,072 recoveries, dahilan para tumaas ang bilang ng recoveries sa 966,080.

Samantala, 77 na mga pasyente pa ang pumanaw mula sa respiratory disease, dahilan para sumipa ang death toll sa 17,431.

Sa ngayon, nasa 1,054,983 ang kabuoang COVID-19 infections.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratories ay operational na noong April 30, habang may pitong laboratoryo na hindi nakasumite ng kanilang datos sa COVID-19 document repository system.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *