PH active COVID cases, bahagyang tumaas sa 54,290; 6,648 new infections

Bahagyang tumaas ang bilang ng mga active cases ng COVID-19 sa bansa, matapos maitala ng Department of Health (DOH) ang 6,684 na mga bagong infections.

Hindi pa kasama sa bilang ang resulta mula sa tatlong laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang datos on time.

Sa COVID-19 bulletin ng DOH, lumalabas na 6,098 COVID-19 patients ang nakarekober mula sa naturang sakit, dahilan para tumaas ang total recovery count sa 1,155,045.

Sa kabuoan naman, sumipa ang COVID-19 infections sa 1,230,301 sa Pilipinas.

Samantala, nadagdagan ng 107 ang bilang ng fatalities, dahilan para dumami pa ang death toll sa 20,966. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *