Ph Army, tinitingnan ang gaps sa recruitment at training process bunsod ng pamamaril ng isang sundalo

Sisilipin ng Philippine Army (PA) ang posibleng gaps sa kanilang recruitment at training processes, kasunod ng shooting incident sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro, na ikinasawi ng limang sundalo.

Ayon kay PA spokesperson Xerxes Trinidad, na magsasagawa ang Board of Inquiry (BOI) ng internal probe para matukoy kung anu ang nag-udyok sa naturang pamamaril.

Dagdag ni Trinidad, nais din umano ng Army na mapaganda ang kanilang recruitment process upang maiwasan na maulit ang naturang insidente.

Sinabi ng opisyal, na isa sa kanilang tinitignan ay ang aspeto na kung saan itong mga bagong private at lahat naman umano ng mga recruits ay sumailalim ng examination at screening kasama na ang buong medical at pisikal. Una nito, noong Sabado, nag-amok ang isang sundalo at pinagbabaril ang kanyang kapwa servicemen na natutulog sa kanilang kwarto sa Service Center Battalion Headquarters sa Camp Evangelista, na agad ikinamatay ng limang sundalo kabilang na ang suspek, habang may isa na sugatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *