Nilagdaan ng Pilipinas at Japan kahapon ang mga bagong sets ng loan financing deals para sa North-South Commuter Railway Project at ang extension nito.
Pinangunahan ni Finance Secretary Benjamin Diokno at Japan International Cooperation Agency president Akihiko Tanaka ang paglagda sa loan agreement para sa NSCR-Malolos -Tutuban Project at NSCR Extension Project.

Ang loan deals ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang ¥400 billion o mahigit P166 billion pesos.
Sinabi ng Finance chief na ang unang loan para sa NSCR Malolos hanggang Tutuban line ay nagkakahalaga ng ¥107 billion habang ang halaga ng loan para sa NSCR Extension ay nasa ¥270 billion.
Ang 163-kilometer NSCR Project ay binubuo ng humigit-kumulang 40-kilometer line mula Tutuban hanggang Malolos at ang extension nito ay mula Malolos hanggang Clark, Pampanga, at Manila hanggang Calamba, Laguna.//CA