Planong magsagawa ng dialogue ang Kuwaiti at Philippine government kasunod ng pagsuspinde sa deployment ng mga first-time overseas Filipino workers sa Gulf state.
Ang dialogue ay gaganapin umano sa pamamagitan ng joint committee meeting (JCM) na nilikha sa ilalim ng 2018 agreement ng dalawang estado sa employment ng mga domestic worker.

Sinabi ng Embahada ng Pilipinas na ang Kuwait ay nagpahayag ng pagkkadismaya sa desisyon ng Department of Migrant Workers at ipinarating ang pagnanais ng bansa na iresolba ang usapin sa lalong madaling panahon.
Matatandaang sinuspinde ng DMW sa pamamagitan ng Advisory No. 5 ang deployment ng mga first-time OFWs na patungo sa Kuwait.
Inilabas ang advisory noong Februray 8, ilang linggo matapos ang brutal na pagpatay sa Filipino household worker na si Jullebee Ranara.//CA
Habang buhay ang mga pilipina ay magiging utus utusan,katulong ng ibang lahi..mula noon hanggang sa hinaharap…masakit na katotohanan dahil yan sa korapsyon..98% politicians and gov officials are corrupt.