PH, bibilhin ang sobrang AstraZeneca shots mula sa Israel, US, UK

Plano ng gobyerno ng Pilipinas na bilhin ang excess o unused AstraZeneca vaccines mula sa mga bansang Israel, United States, at United Kingdom.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., sumulat na ang gobyerno ng letter of intent para sa pagbili ng sobrang bakuna mula sa naturang mga bansa.

Ang mga ito ang top three countries na may maraming vaccinations sa kanilang populasyon laban sa COVID-19.

Dagdag ni Galvez, ito ay isa sa maraming pagpipilian sa pagtitiyak na ang mga naturukan ng unang dose ng AstraZeneca vaccine ay makakakuha ng kanilang second dose on time.

Mababatid na nakatakdang sanang matanggap ng Pilipinas ang 979,200 doses ng AstraZeneca shots mula sa World Health Organization-led COVAX facility noong Marso at Abril, pero naantala dahil sa “global logistical constraints.” // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *