PH-China deal hinggil sa Malampaya gas fields, ipagpapatuloy ng bansa

Ipagpapatuloy umano ng Pilipinas ang pakikipag-ugnayan sa China hinggil sa usaping Malampaya natural gas fields.

Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, ang tanging paraan para maresolba ang naturang issue ay pag-usapan ito upang magkaroon ng consensus at kasunduan nang sa ganoon ay magpatuloy din ang negosasyon.

Paliwanag pa ni Marcos, kinekwestyon pa rin ng China ang Malampaya fields at natural gas fields na nasa baseline at nasa exclusive economic zone ng bansa.

Binigyang-diin din nito na sa kabila ng pagkwestyon ng China, hindi tumitigil ang Pilipinas na makipagnegosasyon.

Mababatid na iginigiit ng China na bahagi ng kanilang teritoryo ang parte ng bansa kung saan naka-locate ang Malampaya fields. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *