PH, dapat maghanda para sa mas malalang COVID-19 situation- Duterte

Dapat umanong maghanda ang Pilipinas para sa mas malalang COVID-19 situation sa gitna ng pagkalat ng mas nakakahawang virus variants sa buong mundo. 

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa taped speech nito kahapon dahil magiging problema aniya ang mga COVID-19 variants sa pagiging epektibo ng mga bakuna. 

Ayon sa presidente, walang garantiya na wala nang mamamatay pag dumating na ang COVID-19 vaccines dahil sa pagkalat ng mas seryosong COVID-19 variants. 

Aniya, ayos lamang na bumili pa ang Pilipinas ng mas marami pang COVID-19 vaccines at magiging mainam umano kung patuloy ang pagpapalakas sa health infrastracture ng bansa. 

Muli namang inihayag ng presidente na payag syang ipagbili ang mga ari-arian ng gobyerno sakali mang maubos na ang pandemic funds. 

Mababatid na mayroong naitala sa bansa na 12 cases ng COVID-19 variant na unang na-detect sa India o ang B.1.617, na lumabas sa mga pag-aaral na mas mabilis na makahawa. 

Mayroon ding naitala sa bansa na variant na unang na-detect sa Britain, at ang isa pang unang na-detect sa South Africa pati na ang na-detect sa bansa na P.3 variant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *