PH Embassy – no Filipino casualties sa Malaysian landslide

Iniulat ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur, na wala pang napapaulat na mga Filipino casualties na madugong landslide na tumama sa campsite sa Malaysia.

Ayon sa embahada, mahigpit ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Filipino community sa Malaysia at tumawag narin umano sila sa mga otoridad na nagsasagawa ng search at rescue operations.

Nabatid na ang landslide sa Batang Kali sa Selangor state ay nagresulta sa pagkakasawi ng 19 katao, 14 ang sugatan at 14 din ang nawawala.

Sinabi naman ng Malaysian authorities, na nakaligtas ang 59 katao.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *