PH Government, walang papanigan sa pagitan ng Beijing at ng Washington

Nanindigan si National Security Adviser Clarita Carlos na mananatiling ‘neutral’ ang Pilipinas sa gitna pa rin ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Beijing at ng Washington dahil sa pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan.

Sa isang panayam, sinabi ni Carlos walang kakampihan ang Pilipinas at mananatili tayo sa pagkilala natin sa ipinaiiral na ‘one-China’ policy.

Paliwanag nito, ano mang pahayag na may kinalaman sa ating foreign polciy ay maaaring maglagay sa panganib ng higit sa 140,000 na mga Pilipino sa Taiwan.

Sa ngayon aniya, bagamat naniniwala itong isang national security concern ang isyu, hindi pa rin dapat ito ituring na isang krisis.

Giit ng opisyal, umaasa raw silang hindi na lalala pa ang tensyon, at wala nang hakbang na gagawin ang mga partido na maaaring magsimula ng conflict sa pagitan ng dalawang estado.

Aniya, naniniwala itong hindi naman gustong makipag-giyera ng Amerika sa China.

Matatandaang kasing pinakilos na ng China ang kanilang mga air assets at ang napaulat na paglo-launch ng 11 ballistic missiles sa defense zones ng Taiwan – bagay naman na kinundena ni White House Spokesperson John Kirby at tinawag na ‘overreaction’.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.