PH govt, muling uutang ng P540B mula sa BSP

Nakatakdang mangutang ang Pilipinas ng isa pang P540 billion mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na gagamitin para sa budgetary support sa gitna na nahaharap ang bansa sa fiscal deficit dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, inaprubahan ng Monetary Board ang borrowing program noong nakaraang linggo.

Matatandaan na una nang inaprubahan ng BSP ang dalawang loans na nagkaahalaga ng P540 billion bawat isa sa national government — kung saan ang isa ay noong December 2020, habang ang isa ay noong October ng nakaraang taon.

Maliban dito, nagpahiram rin ang central bank ng P300 billion sa gobyerno sa pamamagitan ng form of securities noong March 2020.

Dagdag ni Diokno, binayaran na ng gobyerno ang P540 billion, kaya ngayon ay nire-renew umano nila ito. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *