PH inaasahang kikita ng P8.3B sa pagpapadala ng Durian sa China

Inaasahang kikita ng humigit-kumulang sa PHP8.3 bilyon ang Pilipinas sa unang durian export nito sa China sa susunod na buwan.

Ito ang sinabi ni Director Gerald Glenn Panganiban ng Bureau of Plant Industry sa nakatakdang pagluluwas ng durian sa China ngayong Marso.

Sinabi ng opisyal, ang bansa ay nakatakdang mag-export ng paunang 50,000 metric tons ng durian.

Bagamat wala aniyang limit sa ipapadalang durian, sinabi ng opisyal na titiyakin nilang magtuloy-tuloy ang pagpapadala ng durian sa China.

Samantala, sinabi ng BPI na bukod sa China, ang Pilipinas ay magluluwas din ng durian sa Hong Kong, Japan, Malaysia, Saudi Arabia, Singapore, Thailand, United Arab Emirates at Vietnam.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *