Inaasahang matatanggap ng Pilipinas ngayong buwan ang nasa pitong milyong doses ng COVID-19 vaccine.
Maliban dito, kinumpirma rin ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na inaasahang makakatanggap ang bansa ng dalawang milyong doses ng coronavirus vaccine na binuo ng British-Swedish AstraZeneca, ngayong araw.
Ang naturang shipment ay ang pang-ikatlong batch ng bakuna na darating mula sa COVAX facility.
Una nito, natanggap ng bansa ang bulk shipment ng 1.5 million doses ng Sinovac vaccine, na siyang pang ika-pitong batch ng vaccine deliveries mula sa Chinese manufacturer.
Mababatid na kailangang mabakunahan ng gobyerno ang 70 milyong Pilipino para makamit ang herd immunity laban sa COVID-19.