Ph, kabilang sa mga unang makakatanggap ng donasyong bakuna mula US

Makakatanggap ang Pilipinas mula sa unang batch ng COVID-19 vaccines na ibibigay ng United States.

Ayon kay Philippine ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, mamamahagi ang US ng inisyal na 80 million vaccine doses sa mga kaalyadong bansa, lalo na sa mga labis na nangangailangan nito.

Sa gitna nito, hindi pa naman masabi ni Romualdez, kung ilang doses ang matatanggap ng Pilipinas.

Binigyang diin naman nito na ang donasyon ay walang “strings attached” at bahagi lang ng effort ng Amerika na makatulong sa ibang mga bansa kontra sa laban ng coronavirus.

Una nito sinabi ng envoy na target ng Pilipinas na bumili ng nasa 80 million doses mula sa iba’t-ibang American manufacturers. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *