PH, kulelat sa COVID-19 resilience study ng Bloomberg

Kulelat ang Pilipinas sa 53 mga bansa sa ginawang pag-aaral kung saan sinusukat sa resilience ng mga bansa sa COVID-19 pandmeic.

Batay sa COVID Resilience Ranking ng Bloomberg na inilabas kahapon, pangalawa ang Pilipinas sa pinakamababa ang score na 45.3 lamang kasunod ng Argentina na mayroong score na 37 batay sa latest data as of June 27.

Ang mga indicators na kinunsidera sa pag-aaral ay ang percentage ng taong nabakunahan na, severity ng lockdowns, flight capacity, vaccinated travel routes, one-month cases per 100,000 population, one-month case fatality rate, total deaths per 1 million people, at positivity rate.

Nangunguna sa ranking ang United States na may mataas na resiliency score na 76, sumunod ang New Zealand na may 73.7, Switzerland at Israel na may 72.9, at France na may 72.8.

Kasama rin sa top 10 ang Spain na may. score na 72, Australia na mayroong 70.1 score, Mainland China na nagtala ng 69.9 score, United Kingdom na mayroong 68.7 at South Korea na may 68.6 na score.

Sinabi ng Bloomberg na kabilang sa pinakamababa ang Pilipinas at ilang Latin America countries dahil sa variant-driven outbreaks, mababang vaccination, at global isolation.

Mababatid na kahapon, pumalo na sa 1.4 milyon ang COVID-19 cases sa Pilipinas; 50,037 ang active cases, 1.3 milyon ang recoveries, at 24,557 ang mga namatay na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *