PH magkakaroon ng mas magandang internet connection sa pamamagitan ng subsea cable system mula sa US

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makikinabang ang Pilipinas sa proyektong maglalagay ng submarine fiber optic cable mula sa Estados Unidos na magbibigay ng mas malaking bandwidth at mas mabilis na internet connection.

Ito ay kasunod ng pagpupulong ng Pangulo kasama ang ang Founder at Chief Executive Officer ng Converge na si Dennis Anthony Uy kasama ang business partner na si  Thomas Pang Thieng Hwi, CEO at Executive Director ng Keppel Telecommunications and Transportation Inc.

Sinabi ng Pangulo na isasama ng Bifrost Cable System Project ang Pilipinas sa kanilang fiber optic cable mula sa West Coast ng Amerika na magreresulta sa mas mabilis na internet.

Ang Bifrost Cable System Project ang kauna-unahang subsea cable system na direktang nagkukunekta sa Singapore at sa North Amerika, at dadaan sa Indonesia, Pilipinas at Guam at pinakamalaking high speed tansmission cable sa  Pacific Ocean.

Sinabi ng Pangulo na ang bagong development na ito ay resulta ng pakikipag-usap nito sa mga negosyante sa Singapore.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *