PH, makakatanggap ng milyun-milyong bakuna mula COVAX, direct donation ng US

Inanunsyo ng Estados Unidos na kabilang ang Pilipinas sa mga priority recipient countries na makakatanggap ng portion ng pinakahuling 55 milyong tranche ng kanilang idiononate na COVID-19 vaccine doses.

Ayon sa US Embassy sa Manila, makakatanggap ang Pilipinas ng mga bakuna sa pamamagitan ng COVAX-allocated portion ng tranche pati na ng direct donation.

Dagdag umano ito sa alokasyon para sa bansa sa ilalim ng June 3 announcement ng unang 25 milyong US vaccine doses na ipapamahagi sa buong mundo na pangako ni US President Joe Biden para makatulong na wakasan ang pandemya.

Batay sa isang report, makakatanggap ang Pilipinas ng kabuuang 16 milyong shots mula sa US sa pamamagitan ng COVAX Facility at magbibigay pa ang Amerika ng mga bakuna sa Pilipinas sa pamamagitan ng direct sharing.

Sinabi rin sa ulat na nasa 75 percent ng 55 milyong doses ang inilaan sa Latin America at Caribbean, Asia at Africa sa pamamagitan ng COVAX international vaccine-sharing program.

Ang nasabing plano ay alinsunod sa commitment ni US president Biden na magbabahagi ng 80 milyong US-made vaccines sa mga bansa sa buong mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *