PH, mas pinalalakas pa ang health care capacity sa gitna ng banta ng Omicron

Mas pinalalakas pa ngayon ng Pilipinas ang health care capacity, maliban sa pagpapatupad ng travel restrictions sa mga inbound travelers, sa gitna ng banta ng Omicron variant.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr., tulad sa ginawa nila nang pumasok ang Delta variant, ay nagkakaroon na rin umano sila ngayon ng mga imbentaryo sa mga treatment facilities at treatment therapies.

Dagdag ni Galvez, may inaanunsyo pa silang karagdagang developments kaugnay sa COVID-19 restrictions.

Sa ngayon, pinalawig ng gobyerno ang “red” list, kung saan kabilang na ang mga lugar na may high risk ng infection, pag-ban sa inbound travelers mula sa may mga kumpirmado at posibleng kaso ng Omicron variant.

Maliban dito, nirebisa narin ang protocols para sa mga indibidwal na mula sa “green” countries o tinukoy bilang low-risk para sa COVID-19. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *