PH may sapat na pondo para masakop ang pagpapauwe ng 150,000 OFWs sa Taiwan

May sapat na pondo ang gobyerno para sa pagpapauwi ng humigit-kumulang 150,000 overseas Filipino workers sa Taiwan sakaling lumala ang sitwasyon ng China at Taiwan.

Sinabi ni Senator Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Labor Committee, na two-thirds ng budget ngayong taon ng bagong tatag na Department of Migrant Workers (DMW) na katumbas ng P10.6 bilyon ang inilaan para sa mga serbisyo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), kabilang ang Emergency Repatriation Program.

Sapat na aniya ito upang masakop ang pagpapauwe sa mga OFWs na kasalukuyang nasa taiwan kung pipilitin ng gobyerno na ligtas silang makauwe.

Sinabi pa ni Estrada na dapat maging maingat ang gobyerno at laging magkaroon ng contingency plan para sa mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho hindi lamang sa Taiwan kundi saanman sa mundo kung kakailanganin ng mga ito na mapauwe sa bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *