PH, naghahanda umano para sa ‘planned visit’ ni bagong China FM Qin Gang

Naghahanda umano ang mga opisyal ng Pilipinas na tanggapin si Chinese Foreign Minister Qin Gang, na planong bumisita sa Manila ngayong linggo.

Batay sa mga ulat, sinasabing posibleng mangyari ang pagbisita ni Qin sa bansa sa Biyernes o Sabado.

Kaugnay nito, magaganap din ang pulong sa pagitan niya at ng kanyang Philippine counterpart na si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.

Sa gitna nito, hindi makumpirma ng high-ranking sources, kung makakapulong ng China’s top diplomat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Samantala, wala pa namang kumpirmasyon ang Embahada ng Chinan hinggil sa naturang ulat. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *