PH, nagsagawa ng maritime drills sa West PH Sea

Nagsagawa ang Pilipinas ng maritime exercises sa West Philippine Sea, matapos ang paghahain ng gobyerno ng dalawang bagong diplomatic protests laban sa China dahil sa kanilang incursions.

Ayon sa Philippine Coast Guard, gumamit sila ng walong capital ships, kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para mapaigting pa ang kanilang pagsasanay sa navigation, small boat operations, maintenance, at logistical operations.

Kaugnay nito, ang BRP Gabriela Silang at BRP Sindangan ay nagsimula ng kanilang training noong Sabado sa Bajo De Masinloc, habang ang BRP Cabra, BRP Malapascua at BFAR Vessels ay nagsimula naman ng kanilang exercises noong nakaraang linggo sa Pag-asa Island.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armando Balilo, maliban sa kanilang exercises sa Bajo De Masinloc at Pag-asa Island, sinanay rin ang mga barko sa Batanes Group of Islands, Benham Rise, at sa southern at eastern portions ng bansa.

Samantala, plano naman ng Coast Guard na magsagawa ng medical at dental missions sa mga residente at coastal families sa Pag-asa Island sa susunod na linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *