PH, nagtala ng 5,790 new COVID-19 cases

Nagtala ang Pilipinas ng 5,790 na mga bagong kaso ng COVID-19 infections.

Ayon sa Department of Health, sa kabuoang tally na 1,143,963, 54,904 pa ang active cases.
Samantala, ang death toll naman ay tumaas sa 19,191, matapos maitala ang 140 na bagong fatalities.

Kaugnay nito, dumami rin ang bilang ng COVID-19 survivors sa 1,069,868, matapos maitala ang 7,541 pang bagong recovered patients.

Sinabi ng DOH na operational naman ang lahat ng mga laboratories noong May 14, pero bigong makasumite ng kanilang datos ang anim sa mga ito. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *