PH, nagtala ng 5,979 na mga bagong kaso ng COVID-19 cases; Total tally 1,149,925 na

Nagtala ang Pilipinas ng kabuoang kaso ng COVID-19 sa 1,149,925, matapos kumpirmahin ng Department of Health ang 5,979 na mga bagong infections.

Ang naturang bilang ay nakadagdag sa kabuoang active cases na 54,235, kung saan 93.3% ang nakaranas ng mild symptoms, 2% ang asymptomatic, 2% ang severe, 1.4% ang nasa kritikal na kondisyon, at 1.25% ang moderate cases.

Kaugnay nito, tumaas rin ang total recoveries sa 1,076,428, matapos makarekober ang 6,602 pasyente mula sa respiratory disease.

Samantala, ang death toll ay umakyat pa sa 19,262, matapos maitala ang 72 bagong fatalities.

Sinabi naman ng DOH na operational ang lahat ng laboratoryo noong May 15, pero bigo ang limang pasilidad na makasumite ng kanilang datos on time. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *