PH, nakapagtala ng 16,989 bagong COVID-19 cases; active tally nasa 170k na

Umakyat na sa 2,283,011 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa matapos na maitala ang bagong 16,989 cases ngayong araw. 

Ayon sa DOH, ang mababang case count ay dahil sa mababang laboratory output noong Lunes. 

Dahil sa bagong snaitalang cases, pumalo na sa 170,446 ang active cases sa bansa. 

Sa bilang na ito, 85.4 percent ang mild, 9.8 percent ang asymptomatic, 1.4 percent ang severe, at 0.7 percent ang nasa critical condition.

Inanunsyo rin ng DOH na umabot na sa 2,076,823 ang recoveries sa Pilipinas matapos na gumaling ang 24,123 mga pasyente, habang umakyat na sa 35,742 ang death toll makaraang maitala ang 214 bagong fatalities. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *