PH, nakapagtala ng 18,012 new COVID-19 infections; active tally 158,683 na

Nakapagtala ang bansa ng 18,012 bagong COVID-19 infections ngayong araw, dahilan para pumalo na ang total case count sa 2,121,308.

Ayon sa Department of Health (DOH),  mayroong 13 na laboratoryo ang hindi nakapagpasa ng datos sa tamang oras. 

Dahil sa bagong infections, umakyat na sa 158,637 ang active cases sa bansa. Sa bilang na ito, 92 percent ang mild, 3.4 percent ang asymptomatic, 1.4 percent ang severe, at 0.7 percent ang nasa kritikal na kondisyon. 

Umabot naman na sa 1,928,173 ang total recoveries, matapos na gumaling ang 18,945 pang pasyente.

Samantala, nasa 34,498 na ang kabuuang bilang ng nasawi sa nasabing virus matapos makapagtala ang bansa ng 161 bagong fatalities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *