PH, nakapagtala ng 18,056 new COVID-19 infections; active tally nasa 177K

Nakapagtala ang bansa ng 18,056 bagong COVID-19 infections, dahilan upang pumalo na sa 2,2666,066 ang total case count. 

Ayon sa Department of Health (DOH),  dahil sa mga bagong kaso, umakyat na sa 177,670 ang active cases sa bansa. Sa bilang na ito, 85.8% percent ang mild, 9.5 percent ang asymptomatic, 1.4 percent ang severe, at 0.6 percent ang nasa kritikal na kondisyon. 

Umabot naman na sa 2,52,867 ang total recoveries, matapos na gumaling ang 20,452 pang pasyente.

Samantala, nasa 35,529 na ang kabuuang bilang ng nasawi sa nasabing virus matapos makapagtala ang bansa ng 222 bagong fatalities. 

Mababatid na simula Setyembre 16, ang National Capital Region (NCR) ay isasailalim sa Alert Level 4 para sa pilot implementation ng granular lockdown.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *