PH, nakapagtala ng 21,261 new COVID-19 infections; total case count nasa 2.3M na

Nakapagtala ang bansa ng 21,304 bagong COVID-19 infections, dahilan upang pumalo ang sa 2,304,191 ang total case count. 

Ayon sa Department of Health (DOH),  dahil sa mga bagong kaso, umakyat na sa 177,946 ang active cases sa bansa. Sa bilang na ito, 86.1% percent ang mild, 9.2 percent ang asymptomatic, 1.4 percent ang severe, at 0.6 percent ang nasa kritikal na kondisyon. 

Umabot naman na sa 2,090,228 ang total recoveries, matapos na gumaling ang 13,644 pang pasyente.

Samantala, nasa 36,018 na ang kabuuang bilang ng nasawi sa nasabing virus matapos makapagtala ang bansa ng 277 bagong fatalities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *